Sunday, December 4, 2011

Yes !! Hired Na Ako

Posted by Anonymous at 9:54 PM ,
Nabasa lang ng Tito Ferdie ko ang signed na "Now Hiring" kamakailan sa tapat ng PSBC Paete Science and Business College at agad naman ako niyang sinabihan tungkol sa bagay na iyon, sapagkat wala akong trabaho noong panahong yon. Kaya't nag madali akong gumawa ng isang pasadang resume upang makapag apply agad at baka maunahan pa ng iba. Kinabukasan matapos kong maiabot ang aking resume kay "Tita Beth" ay agad akong tinawagan ng aking Boss na si "Tita Maloth". Si Tita Maloth ang nagmamay-ari ng Sidewalk at Orbiz. Isang Snack House at Computer Shop Business niya. Nagtext siya sa aking cellphone at agad naman akong pumunta sa kanilang shop upang ma-interview. Magaling siyang mag interview parang yung last na inverview ko sa Sta. Rosa. Talagang pang Professional kahit nasa probinsya. At ng matapos ang aming talakayan about sa aking buhay ay agad naman naya akong binigyan ng schedule para magsimula sa aking TRABAHO, yes... trabaho. at nitong Dec. 01, 2011 lang ako ng start sa Orbiz. nakakatuwa ^_^

Back Top

0 comments:

Post a Comment