Tuesday, December 6, 2011

Esson Ang Batang AMA

Posted by Anonymous at 6:09 PM ,
Isang gabing kasiyahan party party ang school, napaka saya ng gabing iyon buhay sosyalan, inuman, kainan at kung ano ano pang gimik hatid ng aming School Administrator na si Mr. Jerry Pascasio. Matapos ang gabing yon ay nagsiuwian din kame, kasama ko ang aking Girlfriend na si Elaine Macalipay. Sumakay kami sa jeepney halos isa't kalahating oras din ang lumipas at kami'y nakarating sa aming tahanan.

Hindi ko halos namalayan na bahay ko na pala ang aking hinihigaan, wala roon ang aking mga lola at pinsan, nasa outing nga pala kasama ang aking tiyahin na galing abroad.At doon na nangyari ang dapat mangyari,

Matapos ang tatlong bwan napansin kong nagsusuka si Elaine sa CR ng aming school. Agad kong naisip na baka buntis siya, kaya't ako'y kinabahan dahil inisip ko agad ang aking kinabukasan bilang Ama. Kalahating exited na kalahating takot ba.

Lumipas pa ang mga araw at kumaki ng ang tiyan ni Elaine, magbabagong taon na bago ko pa sinabi sa aking Inang nasa Hong Kong ang tungkol sa bagay na ito. Nagulat ang aking Ina sa sinabi kong; "Nanay sorry po, Buntis po si Elaine". Pinagsabihan nya ako ngunit hindi naman sya nagalit. Napakamaunawaing Nanay ng nanay ko, minsan naisip ko napaka-swerte ko at sya ang nanay ko. Isang linggo ang nakaraan at nalaman narin ng aking lola ang tungkol kay Elaine, sinabi pala ni Nanay sa Telepono.

Mag-ggraduatuion na noon at ibinigay na sa aking ang perang nakalaan pangluwas sa Quezon City dahil doon gaganapin ang aming Graduation. Ngunit sa kabilang palad ang aking asawa na si Elaine ay manganganak na, imbes na ipang-attend ko sa graduation ay ginamit nalang namin ang pera para sa panganganak, kay Empress Jelaine.
Father and Daughter - Empress Jelaine and Esson

Isinilang si Empress Jelaine noong Abril 12, 2010.

Back Top

0 comments:

Post a Comment